Salot ang droga

bong_padua1

Kaliwa’t kanan ang patayan na ang mga salarin ay mga lulong sa droga. Iyan ang problemang hindi maikakaila ng kahit ninuman, maging ang mga awtoridad.

Ang masamang epekto ng droga, partikular ng shabu ang nagpapalakas ng loob at nagpapapraning sa mga adik  para pumatay.

Marahil kulang pa ang effort ng kinauukulan sa paglaban sa droga. Kailangan ang tulong ng ibang ahensiya at  bawa’t Pinoy sa problemang ito.

Dahil kung tayo’y tutunganga lang at walang pakialam, baka sa bandang huli, tayo na mismo ang magiging biktima ng salot na droga na yan.

Speaking of droga, noong na-karaang araw ay nasabat ng mga bata ni BOC Comm. Ruffy Biazon ang bulto-bultong shabu sa NAIA.

Hindi ito ang unang pagkaka-taon, kundi maraming beses na  nahuli ang droga sa NAIA, subali’t  nasasakote ng mga alertong tauhan ni Comm. Biazon.

Sa ulat ni NAIA customs district collector Carlos So, ang naturang shabu ay itinangkang ipalusot ng Vietnamese na si Pham Thi, 55.

Ito ay galing sa Ghana, Africa, dumaan sa Bahrain sakay ng Gulf Air at gagamitin, marahil, ang Pilipinas na transit point, subali’t nabuking. Para makalusot, nagpanggap pa raw ang suspek na isang Filipina, nguni’t ‘di nito alam na iyon ang isang naging basehan para pagsuspetsahan ito ng mga BOC agent.

Kaya nang uriratin ang kanyang baggage sa pamamagitan ng X-ray machine, nakita ang shabu na tinatayang 2.83 kilos  na nagkakahalaga ng P15 million. Si Pham Thi na inilipat sa kustodiya ng PDEA para masampahan ng kaso ay isa lamang sa marami nang dayuhan na nahuli ng mga tauhan ni Biazon.

Ang ginagawa ng kasalukuyang liderato ng BOC ay sana magsilbing inspirasyon sa iba pang ahensya ng gobyerno para magtrabaho rin.

Hindi lang BOC, kundi kahit ibang ahensiya pa ng gobyerno ay makatutulong sa giyera laban sa droga sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan. Halimbawa sa mga LGU at barangay, kailangang makatulong sila sa pamamagitan ng pagbibigay ng tip sa pulis sa mga tulak at adik sa kanilang lugar.

Mismong ang PDEA ang nag-sasabi na maraming kawani sa government agencies ang sangkot sa drugs dealing at drug use. ‘Di dapat matakot ang mga pinuno ng mga ahensiya na isiwalat ang mga ito at isumbong sa PDEA, PNP, CIDG o kaya sa NBI.

Kung tayo, kasama ng BOC, PDEA, PNP, CIDG atbpa – ay magtulong-tulong laban sa droga, tiyak na mawawala ang patayan sa bansa ni Mang Juan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply