Salpukan ng jeep at SUV sa QC, 5 sugatan

emergency-2

NASUGATAN ang limang katao nang magsalpukan ang isang jeep isang sport utility vehicle (SUV) sa E. Rodriguez Avenue, Barangay Pinagkaisahan, Lungsod ng Quezon.

Bunga nito pumutok ang ulo ng driver ng jeep na kinilalang si Rodolfo Taganguin, habang kritikal naman ang isang hindi pa kilalalng babae
na pasahero ng jeep nang maipit t at mapinsala ang mukha.

Isang batang lalaki rin na nasa tatlong taong gulang ang ginagamot sa St. Luke’s Hospital habang dalawang pasahero ang nilalapatan ng lunas
sa Delgado Hospital matapos dahil sa bahagyang pinsala sa katawan.

Kaugnay nito, kinilala ng Traffic Field Investigator ang driver ng Ford Everest na si Mark Anthony Yatco.

Ayon sa nakasaksi, kapwa mabilis ang takbo ng jeep at SUV, pero biglang kumaliwa ang SUV kaya nagkasalpukan ang dalawang sasakya na nagresulta sa pagakasugat ng mga pasahero.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply