Motor at kotse nagsalpukan, mag-asawa sugatan

emergency-2

INIIMBESTIGAHAN na ng Makti City Police Traffic Bureau ang naganap na aksidente na ikinasugat ng isang mag-asawa matapos tumilapon mula sa sinasakyang motorsiklo sa kanto ng Arnaiz at Osmeña Highway sa Makati City.

Sa salaysay ni Aiza Pascua, nag-beating the red light ang Toyota Vios na may plakang TNI 727, na nagresulta para mabangga siya at kanyang
asawang si Rojohn.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga tumilapon ang mag-asawa mula sa motorsiklo na may plakang BH 6232 at nasugat ang paa, braso, ulo at iba pang bahagi ng kanilang katawan.

Nabatid na hindi na lumabas na kanyang sasakyan ang babaeng driver ng kotse dahil sa takot na masaktan ng lalaking bikitma.

Batay sa imbestigasyon, ang mag-asawang Pascua ay papasok sana ng kanilang trabaho nang aksidenteng mabangga ng kotse.

Nilapatan na ng paunang lunas ang mga sugatang biktima habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa naganap na aksidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply