Salvage victim itinapon sa Maynila

bangkay

NATAGPUAN ng street sweeper ang bangkay ng isang lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution na nakasilid sa kahon sa Sta.Cruz, Maynila, Miyerkules ng madaling araw.

Inilarawan ang biktima na may taas na 5’4 at tinatayang nasa edad 38 hanggang 42-anyos. May mga tattoo rin ito na “Merden”, “Edgar Bait”, “Ina Obet” sa dibdib, habang “ODB, “Yagit”, “Malupit”, “BOY 82” naman sa likod at “Patrick” sa kanang braso.

Sa report ni SPO2 Milbert Balinggan, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang matagpuan ni Martha Duldulao Leonil, street sweeper, ang isang kahon kaya ininpormahan nito ang kanyang kasamahan na si Eduardo Chico.

Nang buksan ang karton ay nagulantang sila nang tumambad ang bangkay ng isang lalaki na nakatali ng packing tape at asul na plastic straps ang mga kamay. May nakapulupot ring brown na nylon sa bunganga ng biktima.

Lumabas sa pagsusuri na nagtamo ng maraming saksak ang biktima sa kanyang katawan at may mga sugat din sa leeg, kamay at paa.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidnete.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply