Sandiganbayan nagpasok ng ‘not guilty plea’ kay ex-PCSO Chair Morato

MATAPOS hindi maglagak ng ano mang “plea” sa kanyang pagharap sa korte, mismong ang Sandiganbayan ang nagpasok ng ‘not guilty plea’ para kay dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Manoling Morato.

Ipinaliwanag ni Atty. Dante Diaz, legal counsel ni Morato na nagpasya silang hindi maghain ng plea dahil sa mayroon silang nakabinbin na ‘petition for certiorari’.

Naka-wheel chair si Morato nang ito ay pumasok sa sala ni Judge Efren Dela Cruz at ipinakita pa nito ang halos isang dangkal na sugat na iniwan ng kanyang heart bypass surgery.

Nabatid na si Morato ay nahaharap sa apat ng kasong paglabag sa mga election laws na pormal ng kinasuhan ni Atty. Bonifacio Alentjan sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) dahil umano sa ginawa nitong pangangampaniya noong 2010 elections, gamit ang pondo ng PCSO.

Ayon sa abogado, tinatayang nasa P27 million na pondo ng state-run lottery agency ang ginamit ni Morato sa kaniyang TV program na “Dial M” para isulong ang kandidatura ng noon ay administration bet na si dating Defense Sec. Gilbert Teodoro.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply