Santo Papa handang makipag-alyansa sa ibang relihiyon vs gay marriage

Pope-Benedict-XV!

HANDANG makipag-alyansa sa ibang relihiyon si Pope benedict XVI upang tutulan at labanan ang same sex marriage.

Ito ang inihayag ng Santo Papa sa kanyang Christmas address sa mga opisyal ng Vatican sa Clementine Hall sa Apostolic Palace bilang pagtugon sa lumalawig na suporta sa gay marriage sa Estados Unidos at Europa.

Ang pagpapakasal ng pagkaparehong kasarian ay mahigpit na tinututulan ng Simbahang Katolika.

Ayon sa simbahan, ang ganitong mga pagkakataon ang siyang sisira o makakasira sa pundasyon ng pagpapamilya kaya naman hindi na bago ang pakikipag-alyansa ng Simbahang katolika sa ibang relihiyon tulad sa mga Muslim, Hudyo at iba pa para lamang tutulan at labanan ang pagsasaligal ng “gay marriage”.

Sa ngayon, mainit pa ring pinag-uusapan sa bansa ang gay marriage na mahigpit na tinutulan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply