Santo Papa, hi-tech na rin; may Twitter account na

Pope-Benedict-XV!

SIMULA Disyembre 12 ay maaari nang sundan si Pope Benedict XVI sa microblogging site na Twitter.

Ayon sa Vatican, gagamit ang Santo Papa ng anim na lengguwahe sa kanyang Twitter personal account na @Pontifex.

Magiging ‘question and answer’ ang magiging unang tweet ni Pope Benedict XVI at sesentro ito sa mga katanungang may kinalaman sa pananampalataya.

Pinili ang account name na @Pontifex dahil Pope ang kahulugan nito sa salitang Latin habang ‘bridge-builder’ naman ang iba pang kahulugan ng Pontifex.

Sinabi pa ni Vatican communication adviser Geg Burke na nasa Pope Benedict XVI ang desisyon kung gaano kadalas mag-tweet ang Santo Papa.

Ayon pa sa Vatican, kailangang gumamit ang Kaparian ng social media upang maipaabot sa malawak na bilang ng mamamayan, particular na sa kabataan, ang kanilang pananampalataya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply