Sasakyan sumirko sa SCTEX, 5 sugatan

emergency-2

SUGATAN ang limang pasahero ng sasakyan na maghahatid ng pagkain sa taping ng isang palabas ng ABS-CBN makaraang bumaligtag ito sa Subic-Clark-Tarlac-Expressway (SCTEX), Huwebes ng umaga.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Virginia Labong, Vilma Sumalpong, Alona Viloria, isang babaeng kinilala lang sa pangalang  “Honey”, at isang “Dennis” na dinala sa pagamutan.

Sa ulat, sa pahayag ng driver na si Alberto Geronimo, maghahatid sana sila ng pagkain sa isang taping ng bagong ABS-CBN program sa Barangay Mabayo nang biglang pumutok ang gulong sa likurang bahagi ng sasakyan dakong alas-6:00 ng umaga.

Tinatahak umano nila ang SCTEX malapit sa Floridablanca sa Pampanga nang sumabog ang gulong sa likurang bahagi ng sasakyan. Sunod nito ay nagpagewang-gewang ang sasakyan hanggang sa tumama sa railing at saka bumaligtad.

Ayon kay Geronimo, mabagal naman ang kanyang pagpapatakbo at maayos din ang kondisyon ng makina ng sasakyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply