Satisfying sex ni Senator Miriam Defensor Santiago

burdado- jun briones

DAGLING dinumog ng debate sa Senado nina Sens. Pia Cayetano, Loren Legarda at Miriam Santiago si Sen. Tito Sotto nang tinangka nitong palitan ang terminong “satisfying sex” na nakakabit sa kontrobersyal na RH bill.

Para maging maliwanag ang lahat, pag-usapan na lamang natin ang punto ni Sen. Santiago dahil nagbanta pa ito na sa malao’t madali ay ipapasa niya ang isang bill ukol dito sa satisyfing sex.

Ayon kay Miriam, ipanunukala niya na maaari nang sampahan ng kaso ng isang babae ang kanyang asawa kung hindi siya nito mabibigyan ng satisfying sex.

In-short, maaari nang kasuhan ang isang lalaki kung hindi niya mapaliligaya nang lubos sa kama ang kanyang misis!

Whew! Mabigat na obligasyon itong iniaatang ni Inday Miriam sa ating kalalakihan! Dahil kapag napikon pala si misis at gusto lang talaga tayong kasuhan ay maaari siyang magdemanda at sabihing hindi siya nabibigyan ni mister ng satisfying sex! . . .

Hak, hak, hak, patay tayo r’yan!

O kaya, eh, maaring magpa- side-bet si misis kay kumpare, na kung mabisto ay madali niyang maikakatwiran na hindi kasi siya napaliligayang lubos ni mister pagdating sa kama!

Langya talaga kung bumanat, parekoy, itong si Inday Miriam. Hehehe, gusto to the max!

Sabagay, marami rin namang kalalakihan kasi na pagdating sa kama ay ang kanilang sarili lang ang inuunawa. Kumbaga sa pag-kain ay tinitiyak lang na sila ay busog.

Walang pakialam kay misis kung naiwang nakatunganga sa kisame dahil sa gutom!

At umuutot-utot sa kabag!

Bwar, har, har!

Kaya naman nanganganib na makasuhan sila kung maisasabatas na itong satisfying sex ni Inday Miriam!

At sinong misis naman kaya ang may makapal na apog na pu-punta sa korte para idemanda ang kanyang mister na hindi nakapag-bigay sa kanya ng lubos na kaligayahan sa kama? Ha, ha, ha! Astig ah!

Sa totoo lang, parekoy, hanga tayo rito kay Inday Miriam kung mag-isip . . . naglalatik!

Naalaala ko tuloy ang sagot dati ni GMA nang tinanong ang kanyang sex life . . . Plenty!

Pero ‘wag kayong mag-alala parekoy, sakali mang totohanin nga ni Sen. Santiago itong kanyang satisfying sex, gaya nu’ng isang araw sa Senado ay tiyak na aalma si Sen. Tito Sotto.

Bakit kaya? Hak, hak, hak!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply