Saya at lungkot sa Pasko

chokepoint

ANG Pasko ang Araw na pinakaaabangan ng ka-ramihan.

Pero – sa totoo lang – may mga umaayaw din sa pagdating ng Kapaskuhan.

Ang Pasko – ayon sa kasabihan – ay araw ng saya.

Dahil ito raw ay panahon ng pagbibigayan ng regalo sa isa’t isa.

Maaaring totoo kina Don Juan Regalado at  Doña Maria Regalado, subalit kabaligtaran kina Mang Pablo at Aling Caring.

Siguradong pagdating ng Pasko, ang mag-asawang Don at Dona ay mamimigay ng regalo sa mga kapitbahay at kaibigan.

At siguradong pagsapit ng araw ng Pasko, walang maibibigay na regalo si Mang Pablo at si Aling Caring sa kahit sinong namamasko.

Kasi nga sa mundong ginagalawan natin, dalawang klase ang tao – isa ay ang masuwerte at ang isa ay ‘di masuwerte sa buhay.

Ang isa ay may pambili ng regalo at ang isa ay wala.

Tinatalakay natin ito dahil talagang ganito ang reyalidad sa mundo.

Reyalidad din na may mga gustong-gusto sa  pagdating ng Pasko.

Pero may mga uma-ayaw dahil walang-wala kapag Pasko.

‘Di dapat malungkot.

Wala man tayong pambili ng regalo at pang-Noche Buena, kasama na ang Media Noche sa Bagong Taon, kailangan tayong maging masaya sa Pasko.

Kapag dinalaw ka ng isang kaibigan sa araw ng Pasko, magpasalamat ka nang lubos.

Ang batiin ka ng Merry Christmas ay sapat na.

Ang suklian mo ang kanyang pagbati ng katulad ng binigkas sa iyong ‘Merry Christmas’ ay daig pa ang isang regalo.

Sinasabi natin ito dahil, marami sa atin ang nalulungkot dahil sa hirap ng buhay.

Sana’y magsilbing ‘liwanag’ tayo sa kanila.

Katunayan, ilang kakilala ang nakahuntahan na natin at ang sobrang kahirapan ang kanilang ikinukuwento sa Chokepoint.

Ang ilan, bumagsak ang mga negosyo, ang iba’y nawalan ng trabaho.

Magpa-Pasko pa naman kaya marahil sila’y nalungkot.

At ang masakit, may nababalitaan na lamang tayong kumikitil sa kanilang mga sariling buhay.

Kung noo’y sila’y nakapagbibigay ng regalo sa mga kaibigan, ngayon, anila ay ‘di mangyayari dahil sa kahirapan.

Talagang ganon.

Ang pagsapit ng Pasko ay ‘di natin mapipigil.

Huwag malungkot – isipin na lamang natin na lilipas din ang Pasko, gaya ng nagaganap.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply