Schedule ng LRT 1, 2 sa December 24, 31 iniklian

LRT2-lugi

PINAAGA ang pagsasara ng operasyon ng Light Rail Transit Line 1 at 2 sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon (December 24, 31) dahil sa inaasahang pagbaba ng bilang ng mga pasahero.

Sinabi ni LRT Authority officer-in-charge Engr. Emerson Benitez, na base sa kanilang rekord sa nakalipas na limang taon ay lumalabas na bumababa talaga ang bilang ng pasahero tuwing Dec. 24, at 31.

Dahil dito, magbubukas ang LRT Line 1 (Roosevelt-Baclaran) sa Dec. 24 ng alas-5:00 ng umaga at magsasara ng alas-8:00 ng gabi. Sa Dec 31, magbubukas ito ng alas-5:00 ng umaga at magsasara ng alas-7:00 ng gabi.

Sa Dec. 24, mabubukas ang LRT Line 2 (Santolan-Recto) ng alas-5:00 ng umaga at magsasara ng alas-8:00 ng gabi sa Santolan at alas-8:30 ng gabi sa Recto station. Sa Disyembre 31, magbubukas ito ng alas-5:00 ng umaga at magsasara ng alas-7:00 ng gabi sa Santolan at alas-7:30 ng gabi sa Recto station.

Bukod dito, sinabi ni Benitez na nais rin nila na mapauwi ng mas maaga ang kanilang mga tauhan upang makasama ng mas mahabang oras ang kani-kanilang pamilya sa pagseselebra.

Muli namang humingi ng pang-unawa ang pamunuan ng LRTA sa mga pasahero sa mas pinahigpit nilang seguridad at inspeksyon. Mahigpit umanong ipinatutupad ang “No Inspection, No Entry policy” maging sa mga pasaherong may dalang mga nakabalot na regalo na kailangang buksan ng kanilang mga tauhan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply