Security ng warehouse ng PCOS machines, hiniling ng Comelec

HUMIHINGI na ng saklolo ang Commission on Elections (Comelec) sa hukuman para magbigay ng security ang Philippine National Police (PNP) sa warehouse ng PCOS machine.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes na may problema sila sa paglalagakan ng mga precinct count optical scan (PCOS) machines na gagamitin sa halalan sa 2013.

Ipinaliwanag ni Brillantes na dahil binili na nila ang mga makina sa Smartmatic ay direkta na silang nakikipag-negosasyon sa may-ari ng warehouse sa Cabuyao, Laguna para patuloy na magamit ang bodega. Pero
hindi anya sila nagkakasundo ng Power Serve sa kontrata.

Katwiran anya ng kumpanya, malulugi sila kung pansamantala lang ang pag-upa ng gobyerno sa bodega, pero giit ni Brillantes interesado umano sila makipag-usap para sa annual basis

Nilinaw pa ni Brillantes na hindi naman umanong pwedeng magpasok ng tatlong taong kontrata nang walang pagsang-ayon ng Department of Budget and Management (DBM).

Dahil dito, lumapit na ang ahensya sa korte para makakuha ng expropriation o pahintulot sa pansamantalang paggamit at nagdeposito ng P44 milyong renta.

Humingi na rin umano sila ng seguridad sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para matiyak na hindi mapabayaan o magalaw ng iba ang mga PCOS machines sa warehouse ng Power Serve.

Ngayong araw, sisimulan na ng Comelec ang preliminary configuration sa mga makina.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply