Seguridad sa ARMM, hinigpitan sa paghahanda sa SORA ni Gov. Hataman

IPINATUPAD na ang mahigpit na seguridad sa paligid ng Office of the Regional Governor ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) bilang preparasyon sa State of the Region  Address (SORA) ni Officer-In-Charge (OIC) Gov Mujiv Hataman na gagawin sa Disyembre 18.

Ayon kay John Magno, Chief of Staff  ni Gov Hataman, lalong hinigpitan ang seguridad sa gate at paligid ng Office of the Regional Governnor (ORG) na pinangangasiwaan  ng  PNP ARMM at 1st Marine Battalion Landing Team.

Ginagawa ngayon ang tight security para  mahadlangan ang anumang planong pananabotahe sa naturang  araw..

Inaasahang ihahayag ni Gov Hataman  sa kanyang SORA   ang nagawa ng kanyang administrasyon lalo na sa pagsusulong ng pagbabago sa rehiyon alinsunod sa programa ni Pangulong Noynoy Aquino.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply