Seguridad sa Simbang Gabi, kasado na ng PNP

simbang-gabi

KASADO na ang ilalatag na seguridad ng Philippine National Police (PNP)  kaugnay sa tradisyunal na Simbang Gabi na magsisimula sa Disyembre 16 hanggang 19.

Plantsado na rin ang pagpapatrulya ng kapulisan sa lahat ng lansangan at sa palibot ng mga simbahan na inaasahang dadagsain ng libo-libong deboto.

Pakikilusin din ng PNP ang mga barangay police upang magsilbing mga force multipliers upang matiyak na hindi sila masasalisihan ng mga magnanakaw, masasamang elemento at maging ng mga teroristang grupo na nagbabalak na maghasik ng kaguluhan.

Bukod pa sa kanilang mga police personnel at mga pinalalabas na administrative personnel, hihingi din sila ng tulong sa mga tinaguriang barangay peacekeeping action teams.

Maging ang iba’t ibang radio groups ay kanilang aabisuhan para makatulong sa traffic management dahil sa inaasahang pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Kasabay nito, inaasahan na rin nila ang pagdagsa ng mga balikbayan at mga turista ngayong papalapit na ang Pasko.

Ang tradisyunal na “Simbang Gabi” o Misa de Gallo, ay dinadagsa ng mga mananampalatayang Katoliko sa loob ng siyam na gabi o madaling araw bago ang araw ng Pasko.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply