Sekyu sa Bilibid, lider ng tirador ng motorsiklo

INGINUSO ng sariling mga kasamahan sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) ang isang prison guard na lider umano ng isang gang ng mga magnanakaw ng motorsiklo na ang operasyon ay sa compound ng Bilibid at mga karatig lugar sa lungsod ng Muntinlupa.

Inaresto ng Muntinlupa Police si Prison Guard 1 Paul Bernardo Lopez,32 anyos na nakatalaga sa NBP minimum security compound , sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Antoniette Medina ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 276 sa paglabag sa Republic Act 6539 o anti-carnapping Act of 1972.

Ayon kay Chief Inspector Giovanni Martinez,hepe ng Muntinlupa police intelligence unit,minanmanan nila si Lopez at mga kasamahan nito at sa kanilang pag-iimbestiga ay responsable ang mga ito sa pagnanakaw ng anim hanggang walong motorsiklo mula Hunyo hanggang Hulyo 2012 kung saan nagaganap ang nakawan dakong alas -10 ng gabi hanggang madaling araw sa mga garahe ng mga kabahayan o naiiwang naka-park sa labas lamang ng NBP compound at katabing Katarungan Village.

Tuluyan ng nakasuhan ang grupo ng isa sa kanilang bibiktimahin at pagnanakawan ng motorsiklo ay naaktuhan sila at ipinahuli sa pulisya ang miyembro ng gang ni Lopez

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply