Sekyu tigok sa rumaragasang van

crime6

BASAG ang bungo ng isang 54-anyos na security guard nang araruhin ng rumaragasang van ang kanyang sinasakyang bisikleta habang bumubili ng pagkain sa kahabaan ng Mckinley Road sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot ang biktima na si Melecio Icaban, ng Floresca St., Pandacan, Manila nang makaladkad ng Isuzu van na may plakang XRY-458 na minamaneho ni Randy De Guia, 22 ng Isang Lahi Compound, Sitio Upper Compound, Purok 18, Taytay Rizal.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Romel Salvador ng Makati City Traffic Enforcement Unit, sakay ng kanyang bisikleta at pauwi na si Icaban nang huminto pansamantala sa tapat ng isang ambulant vendor sa Mckinley Road dakong alas-5:30 upang bumili ng makakain.

Hindi pa nakukuha ni Icaban ang binibiling pagkain nang bigla siyang araruhin ng minamanehong van ni De Guia na mula sa direksiyon ng Edsa patungong The Fort Global sa Taguig City.

Inamin ni De Guia sa pulisya na nakatulog siya sa pagmamaneho kaya’t hindi niya namalayan na gumawi na pala pa-kanan ang minamanehong sasakyan hanggang mahagip ang biktima.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isinampa laban kay De Guia ng pulisya sa Makati City Prosecutors Office.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply