Sen. Angara umatras sa pagka-gobernador

UMATRAS na si Sen. Edgardo Angara sa kanyang kandidatura sa pagka-gobernador sa Aurora para sa 2013 midterm elections.

Nasadya si Angara kaninang tanghali kasama ang ilang malalapit na kaibigan at mga tagasuporta sa panlalawigang tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) upang isumite ang kanyang affidavit of withdrawal.

Pinalitan naman ng nakababata nitong kapatid ang kanyang kandidatura na kasalukuyang alkalde ng Baler, Aurora na si Mayor Arthur Angara.

Agad na nagsumite ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa ilalim ng Laban ng demokratikong Pilipino (LDP) ang alkalde matapos ang pagwi-withdraw ng nakatatandang Angara.

Nakatakdang maglaban sa posisyon ang kasalukuyang bise gobernador na si Atty. Gerardo Noveras at si Mayor Angara.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply