Senglot kalaboso sa panghihipo

behind-bars-3

KALABOSO ang isang lalaki makaraang ipagaharap ng reklamo ng 15-anyos na dalagita ng panghihipo sa Tañong, Malabon City, Miyerkules ng hapon (Disyembre 12).

Patong-patong na kaso ang kinahaharap ng suspek na si Junel Rombais y Ladrero, alyas Bulik, 24 fish vendor ng Esterella St., Tañong ng lungsod.

Si Rombais ay sinampahan ng kasong paglabag sa RA 7610 nang paglalamasin ang maselang bahagi ng katawan ng biktima na itinago sa pangalang Juvy, ng LR Yangco St., Navotas City.

Sa imbestigasyon ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Malabon police, dakong alas-5:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng Malabon Consignation market sa nasabing lungsod.

Nabatid na lasing ang suspek nang lumapit sa biktima at pinaghihipuan ito sa maseselang bahagi ng katawan.

Samantala, isang tindera ang nagharap din ng reklamo laban sa suspek. Base sa reklamo ni Virginia Estrella y Espinosa, 41, lasing ang suspek nang ipagtatapon sa kalsada ang mga paninda niyang shellfish na nagkakahalaga ng P2,550.

Matapos ang insidente mabilis na tumakas ang suspek. Ngunit nang makilala ng biktima ang suspek sa loob ng presinto hindi na ito nag-atubiling magsampa ng kaso laban dito.

Nakakulong na ngayon ang suspek at nahaharap sa kasong sexual abuse, maliscious mischiesf at resistance arrest.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply