Senglot na lolo nalunod, dedo

bangkay-2

TIGOK ang isang lolo na hinihinalang lasing makaraang malunod sa Padang Bay sa Pier 2, Tondo, Maynila.

Inilarawan ang biktima na nasa edad na 60 hanggang 65, may taas na 5’5, katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng dirty white stripe T-shirt at kulay itim na pantalon.

Ayon kay PO3 Richard Llimuco, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-9:25 ng umaga ng mapansin ni Roy Surmeon ang nakalutang na bangkay ng biktima habang naglalakad siya sa nasabing lugar.

Agad na ipinagbigay-alam ni Surmeon ang insidente sa duty security guard sa lugar na siya namang nagreport sa pulisya.

Hinala ng pulisya, dahil sa sobrang kalasingan ay nahulog ang biktima hanggang sa malunod at mamatay.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya habang dinala na ang bangkay sa Cruz Funeral para sa awtoosiya at safekeeping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply