Sermon ng pari sa Simbang Gabi, sumentro sa RH bill

IMBES na magbigay ng sermon ang mga pari ay  binasa na lamang ang mga liham o mensahe mula  sa mataas na opisyal ng Simbahang Katolika sa unang Simbang Gabi o misa de gallo ang kontrobersiyal na RH bill.

Sa liham mula kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), mariin nitong kinokondena ang posibilidad na paipasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang naturang panukala anumang araw ngayong linggo.

Binigyan diin ng CBCP na ang contraceptive ay hindi totoong para sa mahirap at kababaihan. Ito, anila, ay katumbas ng korapsyon.

Nanawagan naman ang Simbahan sa 64 pang Kongresista na hindi pa nakakaboto na gamitin ang kanilang konsensya para sa isasagawang huling botohan upang maisapinal  ang pagpasa ng RH bill.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply