Serye ng heinous crime sa M. Manila, hamon sa NCRPO

ISANG paghamon ang serye ng kamumal-dumal na krimen kaya pag-aaralan muli ng Metro Manila police ang kanilang anti-criminality plans at estratehiya lalo pa’t nalalapit na ang Kapaskuhan.

Aminado si Metro Manila police head Chief Superintendent Leonardo Espina na nahaharap sila sa isang malaking paghamon mula sa mga kriminal sa mga nagdaang linggo.

Dahil dito, nais ni Espina nas palakasin pa ang kanilang visibility at patrol routines para masawata ang krimen.

Kabilang sa mga heinous crimes na naganap sa Metro Manila ay ang pagpatay sa isang magasawa ng armadong kalalakihan sa Malabon City noong Nob. 24, na ang sinisilip na motibo ay robbery.

Noon namang Nob. 25, hinoldap ng armadong kalalakihan ang dalawang sangay ng isang convenience store chain sa Quezon City at sa Manila. Patay sa insidente sa Quezon City ang isang security guard matapos baeilin ng isa sa mgna suspect.

Noon ding Biyernes, nahuli ng awtoridad ang isang 27-anyos na lalaki na pumatay sa magpinsan sa Caloocan City.

Sa kabilang dako, minasaker naman ang tatlong kababaihan sa isang bahay sa Maynila noong Nobyembre 12 . Natiklo ang isang local village watchman pero binaril nang agawin nito ang baril ng kanyang police escort.

Sinabi ni Espina na dapat silang gumawa ng paraan para lalong mapag-igi ang kanilang pagpapatrolya at kailangan nila ag tulong ng local officials para masawata ang krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply