Shabu queen ng Taguig, 3 pa laglag sa PDEA

behind-bars-2

ARESTADO ang tinaguriang shabu queen na lider ng isang drug group at tatlong miyembro nito makaraang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Taguig City police ang kanilang hide out sa nasabing lungsod nitong Disyembre 20.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., ang nahuling lider ng Bergonia Drug Group na si Fe Bergonia, 43 anyos, residente sa Blk 71 Lot 51, Phase 4, JP Rizal St., Upper Bicutan, Taguig City. Arestado rin ang anak ni Bergonia na sina Tammy Bergonia, 21; at Randolph Bergonia, 19; at Reynante Sabanal, alyas Don-don, 26, at residente ng Champaca St., Western Bicutan, Taguig City.

Nakuha sa mga nadakip na suspek ang 15 sachet ng shabu, iba’t ibang drug paraphernalia, isang digital na timbangan at limang mobile phone na siyang ginagamit umano sa iligal na transaksyon ng grupo.

Ani Cacdac, ang apat na suspek ay kasama sa kanilang watchlist at halos dalawang buwan nang minamanmanan ng PDEA Regional Office – National Capital Region (PDEA RO-NCR).

Ayon pa kay Cacdac, si Bergonia ang tinaguriang shabu queen ng nasabing lungsod ay nagkaroon ng warrant of arrest  noong 2004 dahil sa paglabag sa anti-drug law.

Matapos magtago ng dalawang taon ay nahuli ito noong 2006 ng lokal na pulisya pero nakapagpiyansa ito at nakalaya. Itinuloy nito ang iligal na operasyon at napag-alaman na ginagamit na runner ng droga ang ilang mga kabataan.

Nahaharap si Bergonia sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia), Article II of Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply