Sharon, nanganganrap pa ring makasama sa pelikula si Nora Aunor!

SA totoo lang lahat halos ng magagandang bagay ay na kay Sharon Cuneta na. Una rito ang titulong megastar at pagkakaron ng husband na isang senador at mega daughter na si KC Concepcion. On top of that, lahat halos sa mga pelikulang ginawa ni mega ay kumita naman sa takilya. Pero sa isang panayam, ipinahayag ni Ate Shawie na may kulang pa daw sa kanyang showbiz career.

Ito rito yung makagawa sila ng pelikula at makatambal ang nag-iisang superstar na si Nora Aunor.

Ayon pa kay mega, matagal na raw niyang pangarap na may isang producer na mag alok sa kanya at ang makakasama ay si ate Guy.

Teka lang, Noranian ba si mega? Akala kasi namin ay Vilmanian ito dahil sa mas marami kaming narinig na papuri ni Ms. Sharon patungkol kay Star For All Seasons and Governor Vilma Santos Recto kumpara sa mga sinasabi niya patungkol kay Nora Aunor.

Hindi kaya pinaplastik na naman ni Shawie ang mga fans ni Mama Guy matapos niyang banggitin na pangarap ni- yang makasama sa isang proyekto ang nag iisang superstar?

Kunsabagay, kahit naman sinong artista ay nangangarap rin na makatambal itong is Nora Aunor.

Kung talagang hindi plastik si Mega Star sa kanyang tinurang type niyang makasama sa isang project si Mama Guy, mapatutunayan lamang niya ito sa mga fans ni Nora kapag sinuportahan niya ang pelikulang El Presidente ni Governor ER Ejercito ng Laguna kesa naman pagkaabalahan ng oras ni mega ang mga nagtu-tweet sa kanya.

***

Sobrang nagpa-panic ngayon ang mga kaibigan ng road manager na ito dahil ang huling balita namen ay under sur- veillance pala ito ng NBI.

Mahilig kasi sa mga batang lalaki ang nasambit na road manager kaya ito ngayon ang subject ng taga NBI. Sa totoo, ultimong kanyang mga malalapit na kaibigan ay isa-isang nangagsisipaglayuan sa panget at mukhang kabayong road manager. Takot raw sila at ayaw daw nilang madamay sa pinaggagagawa ng panget na road manager.

Kahit sa isang hotel na malapit lamang sa isang mall na madalas tambayan ng baklang mukhang kabayong road mana -ger, binabantayan na rin ito ng mga ahente ng NBI.

Pero ang nasabing baklang panget, kampante lang at parang hindi siya takot na maposasan ng NBI kasi nga sobrang taray nito at feeling niya kayang kaya naman niyang talakan kapag siya ay na Jolina Magdangal ng nasambit na mga NBI agents.

Pero di ba pagka talagang na-caught-in-the act ka sa nagawa mong kasalanan ay hindi ka pinalalagpas ng nasa- bing ahensiya at siguradong posas at kaloboso ang pupuntahan mo kahit mag taray ka pa nang bonggang-bongga? Hindi lang isa o dalawa ang madalas na karay ng nasabing baklush at kapag kinailangan ng nasabing NBI agents ang mga materyales at ibedensya, madali lang naman nila itong i-request sa naturang mall dahil kahit saang su- lok pala nito ay may mga nakatutok na CCTV camera kaya wala talagang lagpas sa posas ang nasabing baklang road manager.

Kilala mo ba siya, Alex Datu? Mahilig siya sa color coding na damit at accessory sa katawan.
‘Yun lang.

***

Pahabol: White Bird, nangangailangan pa rin ng bagong mukha. ‘Yung young and fresh looking.

Nag-text sa amin ang kaibigang Roldan Castro na presidente ng PMPC (Philippine Movie Press Club) noong isang linggo. Ayon kay tito Roldan, pumasok na raw sa White Bird entertainment bar ang papabol na winner ng Hataw bikini open 2011 na si Jared ang namesong.

Sa totoo lang, gwapo talaga at katakam takam itong si Jared. Kahit saang contest siya isalang ng kanyang mana- ger na si karla ay talagang laging sure winner ito.

Ang alam namin, nakapagpatayo na ng malaking bahay para sa kanyang magulang itong si Jared dahil sa kanyang mga nakukuhang cash prizes sa bawat event na kanyang sinasalihan.

At ang huling balita namin, after na mag-grand winner sa Hataw Bikini Open noong 2011 ay may isang nagmagandang koreana ang nagkagusto rito at ibinahay ang kumag.

Pero bakit kaya nasa Whitebird na siya ngayon? Balita kasi namin, nagtayo rin ng sarili niyang gay bar ang nasabing koreana at ito ngang si Jared raw ang namamahala. Di ba, Monyones?

Kunsabagay, kahit sino namang matrona at mayamang bading ay pihadong magkakagusto rito kay Jared kaya roon sa mga gustong makita at makatabi sa inyong table itong si Jared, gora na kayo sa Whitebird at ipahanap n’yo na lang siya sa mataray na floor manager na si Manager Gretaloka na may Cell number na 09217405735.

Hanggang ngayon patuloy parin na tumatanggap ng mga new faces ang nasabinmg gay bar dahil ang gusto ng mga bos -sing rito na sina boss Willie Pingol at sir Nilo Agustin ay mga bago ang irarampa nila sa kanilang mga parok- yano ngayong 2013. Di ba, Sir Joven?

At doon sa mga gustong mag-apply, punta lamang kayo sa Whitebird at hanapin si Mama greta or itext niyo sa sa kanyang cellphone na nakasulat sa itaas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply