Shell may panibagong rolbak

rolbak

EPEKTIBO mamayang 12:01 ng hatinggabi ang ipatutupad na panibagong rollback sa presyo ng petrolyo ang Pilipinas Shell.

Tatapyasan ng 80 sentimos ang presyo ng kada litro ng diesel habang 55 sentimos sa kerosene at 20 sentimos sa premium, unleaded at regular gasoline.

Ang rollback ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan sa world market.

Nabatid na ito ang ika-limang sunod na rolbak sa gasolina, habang ikaapat sa diesel ng Shell.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply