Showbiz writer talo ang libel case vs comedian

john-lapus

DAHIL sa kakulangan ng probable cause, dinismis na kanina (Disyembre 4) ng Quezon City Prosecutor’s Office (QCPO) ang kasong libelo na isinampa ng show biz columnist Jobert Sucaldito laban sa comedian and talk show host John Lapuz base sa pahayag ng huli na ginawa noong nakaraang taon sa isang TV interview.

Nag-ugat ang kaso sa ibinatong pahayag ni Lapuz kay Sucaldito noong Peb. 20, 2011, sa pag-ere ng “Showbiz Central” sa GMA 7 network na “Jobert, stop going after me. Stop saying bad things about other people. Stop writing about things that are not true. Have pity on yourself.”

Sa kanyang reklamo, sinabi ni Sucaldito na ang pahayag ni Lapuz ay nagmistulang tinukoy siya na bilang isang “character assassin” at isang taong walang kredibilidad.”

Idinagdag din ni Sucaldito, na isang columnist ng tabloid Bandera, na ang sinabi ni Lapuz ay nakaapekto sa kanyang trabaho at maging ang pakikitungo niya sa ibang show biz personalities.

“Since it appears that the statements allegedly uttered by the respondent, taken as a whole, [have] a justifiable motive behind [them], respondent may not be held criminally liable for libel,” pahayag ni Assistant prosecutor Leonardo Raul Gonzales sa kanyang 2-pahinang resolusyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply