Si Mommy Dionisia at ang book of job

Allan-Encarnacion-mano_mano-web-copy

BUKOD sa matinding usapan sa pagka-knockout ni Pacman sa laban nila ni Marquez, mas dumadagundong sa media ang pag-aamok ni Mommy Dionisia. Sinisisi ni Mami D. ang mga Bible preacher na nasa paligid ni Pacman. Pinagbubuntunan ng ina ang pagkahumaling ng anak sa Christian or Born Again group.

Sinisisi ni Aling Dionisia ang paglayo ni Pacman sa Simbahang Katolika, ang hindi na pagsusuot ng Rosario at ang hindi na pagdalo sa misa bago lumaban. Ginusto na raw ng Diyos na matalo si Pacman para magbalik siya sa kanyang pinagmulang relihiyon.

Sa mga sinabing ito ni Mami D, hindi ko maiwasang maikonekta ang sinapit ng kanyang anak sa isang bahagi ng Bibliya na kung tawagin ay Book of Job. Isinalarawan si Job bilang pinakamayaman sa dakong Silangan. May sampung anak, super-gandang bahay, may farm na may limang daang donkeys, limang daang kartilya, pitong libong tupa, tatlong libong kamelyo, isang libong baka. Sa kabila ng kanyang karangyaan, walang kasukat ang kanyang pananampalataya at katapatan sa Diyos.

Hinamon ni Satanas ang Diyos, sinabi niyang kaya lamang tapat at relihiyoso si Job ay dahil sa kanyang magandang estado sa buhay. Si-nubok  si Job, nawasak ang kanyang mga kartilya, nasunog ang kanyang mga tupa, ninakaw ang kanyang mga kamelyo, ang kanyang magandang bahay ay dinurog ng malakas na hangin na ikinamatay rin ng sampu niyang anak.

Matapos ang mga trahedya, pinunit ni Job ang kanyang damit at inahit ang lahat ng kanyang buhok sa ulo sabay dumipa bago ibinulalas ang katagang: hubad akong inilabas sa sinapupunan ng aking ina, hubad din  akong babalik sa alabok.”

Hindi nasiyahan si Satanas sa nangyari dahil walang nagbago sa pananampalataya ni Job.

Muli niya itong pinahirapan, sinugatan ang buong katawan na mistulang dinapuan ng sakit na ketong.

Nang hamunin si Job ng kanyang asawa na sumpain na ang Diyos, tinanong siya nito: Kaginhawaan lamang ba ang tatanggapin mo sa Diyos at hindi ang kahirapan?”

Kaya Mami D,  hindi dapat maging sukatan ng ating pananampalataya ang anomang nangyayari sa ating buhay. Sabi nga, sa sobrang laki ng Diyos, hindi siya kasya sa isang relihiyon.

allanpunglo@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply