Si Pablo

inton

PUMASOK na sa tinatawag na “Philippine area of responsibility” ang bagyong si Pablo noong isang araw. Malakas daw si Pablo. Kahit pa sa panahong sinusulat ko ang kolum na ito ay hindi pa naman umuulan sa Metro Manila.

Ikinukumpara si Pablo sa bagsik ni Sendong na hanggang ngayon ay hindi pa malimutan ng ilan sa atin ang pananalasa. Marami ang nasaktan ni Sendong, namatay, maraming mga ari-arian ang nasalanta. At itong si Pablo, sobrang lakas daw, marami ang nagbabanta na matawag pa itong ‘super storm.’  Maliban na lang kung magbago ng direksyon at humina.

Marami na ngang mga shout-outs sa Facebook at Twitter na sana ay magbago ang landas na tinatahak ni Pablo. Pero huwag na sana natin asahan na baka hindi na maging super typhoon si Pablo.

Mali man ang prediksyon ng mga eksperto, mas mabuti na ang handa tayo at nang sa gayon ay maging ligtas.  Magpasalamat din tayo na maaga pa lang ay nasa mga balita na ang kilos ni Pablo.  Sana ay mapahalagahan natin ang trabaho ng gobyerno para mas maagang maihatid sa atin ang mga balita, ang mga babala, nang sa gayon ay tayo naman ay makapaghanda.

Tulad na lang ng nakaraang “Frankestorm” na si Sandy na labis na sumalanta sa Amerika.

Ang sabi nang ilan mabuti na lang at mas maaga ang pagdating ng “warnings” o mga babala, dahil maaga silang na-kapaghanda. Kung huli raw ang mga preparasyon baka mas malala pa ang inabot na pinsala ng mga tao roon.

Ilang araw ko ring narinig ang mga balita tungkol sa bagyong si Pablo, umaasa ako na marami na rin ang nakapaghanda. Ang sabi ay sa Mindanao daw ang totoong tumbok ng bagyo pero hindi dapat pakasiguro ang mga lugar na dadaanan nito. Ang mga mabababang lugar, ang mga malalambot ang lupa, ang mga bahay na napapalibutan ng mga puno at maging ang bubong na yero na medyo mahina ang kapit – ang lahat nang ito ay dapat na muling silipin, siguraduhin, para mas magaan nating masasalubong ang parating na hamon na ito. Dapat naman ay lagi tayong handa.

Ang Pilipinas ay madalas nadadaanan ng mga bagyo.  Akalain mo, dalawang linggo halos bago mag Pasko, eto pa si Pablo.  Sama-sama tayong madasal na sana nga ay mas ay humina, sana nga ay mali ang prediksyon tungkol sa pagiging super storm nito pero iba pa rin ang lagi nang handa. Ingat mga kababayan ko. Email me at ariel.inton@gmail.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply