Si Pacquiao, ang RH bill at ang Pulso n’yo!

dennis-legaspi-pulso

NABIGO si Filipino boxing superstar at Sarangani Rep. Manny Pacquiao na mapataob si four-division world champion  Juan Manuel Marquez nang mapabagsak siya ng huli sa ika-anim na round ng kanilang mainit na bakbakan kanina sa MGM Hotel sa Las Vegas, Nevada.

Matatandaang nagtagpo na ang 33 anyos na si Pacquiao at ang 39 anyos na si Marquez ng tatlong beses na pawang mga naging kontrobersyal na labanan.

Taas noo pa rin tayong sumasaludo kay Manny sa napakaraming pagkakataon sa nakaraan na nakapagdala ito ng karangalan sa ating bayan.

Ang panandaliang pagkadapang ito ay nagpapatunay na gaya nating lahat, siya ay tao lamang na hindi sa lahat ng panahon ay nagwawagi at puro kasiyahan ang natatamasa.

**************

Usapang Pacquiao pa rin, magawa kayang mapagtagumpayan ng tinaguriang “People’s Champ” ang isa pang umaatikabong digmaan na kanyang dadatnan pagkabalik sa bansa?

Ito ay ang madiing pagkontra ng kongresista sa isinusulong na RH bill sa Mababang Kapulungan.

Batay kasi sa ilang seryosong kwentuhan sa pagitan ng mga nagsusulong nito, tila “in the bag” na at “matter of time” na lang daw ang pag abruba sa naturang panukalang batas.

Masungkit pa kaya ng mga humaharang maipasa ito ang pagkapanalo matapos makisali na rin ang Palasyo sa korus ng mga nagnanais na mapagbotohan na sa plenaryo ang nabanggit na measure.

Tayo po ay mag-aabang, at magsusubaybay sa mga susunod na kabanata sa loob ng plenaryo ng Kongreso.

**************

Ikinagagalak ko pong maging bahagi ng Remate Online.
Mababasa ninyo ang column na “PULSO Nyo” tuwing Lunes at Biyernes simula ngayong araw.

Maraming salamat sa pamunuan at mga big boss ng kumpanya sa pagkakataong ito.

Sa lahat ng aking mga magiging tagasubaybay at kakwentuhan, makakaasa kayong ang Pulso Nyo ay aking pahahalagahan, at ipaaalam sa taong-bayan.

**************

Bukas po ang inyong lingkod sa anumang hinaing, reklamo o komento. Maaaring mag-email lamang sa pulsonyo@gmail.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply