Sibakin si Acio

bong_padua1

DAPAT nang walisin sa puwesto si S/Supt. Rosauro Acio bilang  Batangas police director.

Ang dahilan: natutulog sa pansitan ang opisyal na yan.

Nagtataka lamang tayo kung bakit kinakanlong pa ni Gov. Vima Santos – Recto ang ‘mamang’ ito sa kabila ng kanyang pagiging mahinang PNP official.

Sa lahat ng lalawigan, wala na yatang tatalo sa Batangas sa rami ng nagaganap na krimen.

At nangyayari yan dahil pipetik-petik lang si Col. Acio.

Ang paihi o yaong tinatawag na buriki na ang binibiktima ay mga oil tanker, semento at kung ano-ano pang produkto na tatawid ng Batangas ay malala.

Ang holdapan at patayan ay ‘di rin maitatatwa.

Ang simpleng reklamo o sumbong nga sa operasyon ng iligal na sugalan ay ‘di pa kayang resolbahin.

Matagal nang inirereklamo ang STL-bookies nina Kanor, Teryo at Jun Ocampo sa Tanauan pero ang simpleng sumbong na ito ay ‘di maaksiyunan ni Acio.

Nariyan din ang STL-con jueteng nina Dama, Kancio, Dexter, Angel, Villanueva at Obet pero ayaw kumilos ang mamang opisyal.

Isang Virtucio, Indo at Ineo na mga lider pa ng barangay ang pasimuno ng jueteng at si Teddy ang video karera operator sa bayan ng San Jose.

Ang masama, sa mundo ng jueteng sa Batangas, kasamang inilalako ng mga gambling lord ang  shabu.

Tiyak, ‘di alam ni Acio ang ulat na iyan.

Kaya nga,  Dir. Gen. Nick Bar-tolome, sir, lagyan mo ng magaling na director ang Batangas para ma-kaahon ito sa sobrang kahihiyan.

POST OFFICE SA SMUGGLING

Nabuking ng Bureau of Customs na ginagamit ang Post Office sa smuggling.

Nabuking ito ni BOC Comm. Ruffy Biazon matapos makasamsam  ang kanyang mga tauhan ng 20 barrels ng M-14 rifles.

Pinadala sa Central Mail Exchange Center sa Pasay, nakadeklara itong chocolate at libro pero dahil sa galing ng mga bata ni Col. Marlon Almeda, ‘di nakalusot ang kontrabando.

Isang Jaydi Miranda, 42, ng Old Sta. Rita, San Miguel, Bulacan ang consignee at ang parcel ay mula naman sa Orlando, Florida, USA na ipinadala ng isang Jovit Cruz.

Tila, walang pinalulusot ngayon ang mga bata ni Comm. Biazon dahil pati mga post office ay binabantayan na nila para masugpo na ang smuggling.

Ano pa ba ang masasabi natin kundi “good job” sa pamunuan ni Comm. Biazon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply