Signal No.1, itinaas ng PAGASA sa 4 lugar

ITINAAS kaninang umaga ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Authority (PAGASA) ang signal number one sa apat na lalawigan na nasa kanlurang bahagi ng Luzon dahil sa muling paglapit sa kalupaan ng bagyong Pablo sa bansa.

Ayon sa Pagasa forecasting center, ang mga lugar na nasa signal number ngayon ay ang lalawigan ng Ilocos Sur, La Union, Pangasinan at Zambales.

Ito ay dahil sa halip na lumayo, pumihit palapit sa kalupaan ng Luzon ang bagyong Pablo na ngayon ay namataan sa layong 320 kilometro sa hilagang kanluran ng Dagupan City.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hangin na aabot sa 160 kilometro bawat oras.

Sa susunod na 24 oras, inaasahan na magdudulot ang bagyong Pablo ng mga pag-ulan sa Western Luzon.

Ayon pa sa Pagasa, maaring matatagalan pa bago makalabas ng teritoryo ng Pilipinas ang bagyo dahil sa pagpihit nito papuntang Luzon bagamat hindi na rin naman  inaasahan ang pagtama nito sa kalupaan sa halip ay didiretso ito palabas ng west Philippine sea.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply