Signal No. 3 itinaas sa Mindanao dahil sa bagyong Pablo

bagyong-pablo

ITINAAS na ang signal number 3 sa Surigao del Sur, Surigao del Norte, Siargao, Dinagat, Agusan del Norte, Agusan del Sur at Davao Oriental.

Sa report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA), nagbabanta ang Bagyong Pablo sa Caraga Region at mga karatig lugar.

Tinatayang tatama sa kalupaan si Pablo Martes ng umaga na tatawid sa Agusan, Misamis Oriental at Camiguin.

Inaasahan namang tatama ito sa Bohol at tatawid sa Cebu, Panay at Negros sa Miyerkules.

Dahil dito, itinaas ang signal number 2 sa Southern Leyte, Bohol, Camiguin, Misamis Oriental, Bukidnon, Davao del Norte at Compostela Valley.

Signal number 1 naman sa Cuyo Island, Eastern Samar, Western Samar, Leyte, Biliran, Aklan, Capiz, Antique, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Negros Oriental, Cebu, Siquijor, Zamboanga provinces, Lanao, Daval del Sur, North Cotabato at Maguindanao.

Kumikilos si Pablo sa bilis na 24 kilometro kada oras taglay ang lakas ng hanging 175 kilometro bawat oras at bugsong 210 kilometro kada oras.

Asahan umano ang malakas at masinsing ulan (15-30 mm per hour) sa loob ng 600 kilometer diameter ng bagyo.

Inaasahang hihina ang bagyo habang binabagtas ang mga probinsiya sa Mindanao at Visayas.

Posible umanong malusaw ito bago makalabas ng bansa.

Gayunman, pinag-iingat pa rin ang lahat ng mga residenteng nakatira malapit sa mga ilog, dagat at mga paanan ng bundok para sa posibleng pagbaha at pagguho ng luypa.

Pinaalalahanan na rin ang mga mangingisdang huiwag munang lumabas sa karagatan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply