Simbang gabi sa Luneta

SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon magsasagawa ng simbang gabi sa Rizal Park na gaganapin sa Central Lagoon ng Rizal Park, sakop ng Ermita, Maynila.

Masisimula ang simbang gabi sa Luneta sa December 15 hanggang sa mismong araw ng Pasko sa December 25. Ang misa ay mag-uumpisa ng alas-8:00 ng gabi.

Nananawagan naman si Juliet Villegas, Executive Director ng National Parks and Development Community (NPDC) sa mga dadalo sa misa at sa mga namamasyal sa Luneta na magbigay ng tulong para sa mga biktima ng bagyong Pablo.

“Maski lumang laruan, basta maganda pa ay maaari ninyong ibigay na tulong sa mga bata sa Mindanao, yayain ninyo ang mga kaibigan ninyo na mamasyal sa Luneta at magbigay ng tulong,” ayon kay Villegas.

Nabatid na maaaring ibigay ang mga donasyon pagkatapos ng misa kung saan sa pamamagitan ng parokya na Nuestra Senor De Guia sa Ermita ay ipapadala ang naipong donasyon sa Mindanao.

Umapela si Villegas sa publiko na tulungan ang mga naghihikahos sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Pablo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply