Sin tax bicam at mga nagmamahal sa kalusugan

hilda-online-logo

NOONG nakaraang Bulong Pulungan na ginanap sa Sofitel Manila, nagkomento si Sen. Pia Cayetano sa pinakahuling kaganapan tungkol sa Sin Tax Bill. Sa papalapit na bicameral proceedings, winika ng senador na ang pinakamabuting paghahanda ay kinakailangan upang maisaayos ang susunod na bulto ng balakid sa paraan ng pagkakaroon ng malakas na bill para ito ay maipasa.

“Bicam ang pinaka mahirap na sandali para sa bill na ito sa kadahilanang ito ay isang closed door meeting. Kinakailangan natin ang matamang pakikinig at atensiyon sa bawat maliit na bahagi ng pag-unlad upang makasiguro na walang anumang probisyon na makapagpapahina sa bill ang dapat na maisama sa pag-uusap,” wika ni Eng. Emer Rojas, Global Cancer Ambassador at President ng the New Voice Association of the Philippines.

Bilang isang cancer survivor, si Eng. Rojas ay tunay na maalam sa mga implikasyon ng lehistrasyon na maaring magkaroon ito sa uri ng pamumuhay (lifestyle) at kultura (culture). “Ako ay naging addict sa paninigarilyo noong ako ay bata pa sapagkat ang sigarilyo noonay mura lamang halaga. Sa pamamagitan ng bill na ito ay maproprotektahan ang ating mga kabataan ngayon, mula sa dinanas ko noon at ang iba pa na katulad ko rin ang dinanas,” pagpapatuloy pa niya.

Sa pamamagitan sa lehistrasyon (legislation), ang paninigarilyo ay malalayo sa kabataan at mahihirap. Ayon pa nga sa survey ng Social Weather Stations. P10/stick o kaya ay P200/ pakete, karamihan sa mga kabataang naninigarilyo ay hihinto.

“Ang paninigarilyo ay kultura at kinaugalian. Ito ay isang panlipunang suliranin na kailangang bigyan ng malakihang pagpansin mula sa mga kinauukulan,” ayon kay Sen. Cayetano, ang pinakamura sa mga sigarilyong mabibili ay nagkakahalaga ng piso isang piraso ng stick.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply