Sin Tax Bill niratipikahan na ng Senado

SA botong 10-9, naratipikahan na ng Senado ang Sin Tax Bill na naglalayong taasan ang pagbubuwis sa alak at sigarilyo.

Pumabor sa panukala sina Sens. Edgardo Angara, Pia Cayetano, Miriam Defensor-Santiago, Franklin Drilon, Ping Lacson, Serge Osmeña, Kiko Pangilinan, Koko Pimentel, Lito Lapid at Sen. Antonio Trillanes, habang tutol naman sina Senate President Juan Ponce-Enrile, Jinggoy Estrada, Chiz Escudero, Bongbong Marcos, Ralph Recto, Gringo Honasan, Bong Revilla, Tito Sotto at Sen. Joker Arroyo.

Kapag naipatupad ang tax measure, kikita ito ng P33.96 billion sa unang taon at P248.49 billion hanggang sa 2017 na mapupunta naman sa proyektong pangkalusugan ng bansa.

Sa probisyon, matapos bawasan ng 15 percent ang kabuuang pondo na kikitain sa pagbubuwis sa sigarilyo alinsunod sa RA 7171, 80 percent sa matitirang pondo ay ilalaan sa Universal Health Care Program ng pamahalaan, habang ang 20 percent ay ipamimigay sa buong bansa batay sa political and district subdivisions, para sa medical assistance at health enhancement facility programs kung saan ang Department of Health ang magdedetermina sa ilalaang pondo.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply