Sin Tax Law nilagdaan na ni PNoy

ISA nang ganap na batas ang Sin Tax bill matapos itong lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong umaga.

Magugunitang, niratipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang panukala nitong Disyembre 11, 2012.

Sa talumpati ng Pangulo, kanyang pinasalamatan ang Senado at Kamara sa pagpasa ng panukalang batas na kanyang sertipikahang “urgent”.

Pinasalamatan ng Pangulo si Senador Franklin Drilon sa siyang sumalo sa Ways and Means Committee ng Senado makaraang umalis sa puwesto ang dating chairman na si Sen. Ralph Recto.

Ayon sa Pangulo, maagang pamasko sa milyon-milyong Filipino ang universal health programs na mapopondohan ng Sin Tax Law.

Naniniwala rin ang Pangulo na sa pamamagitan ng batas ay maiiwas ang mga Pinoy na malulong sa bisyong pag-inom at pannigarilyo na lubhang mapanganib sa kalusugan.

Samantala, nilinaw ni Pangulong Aquino sa mga magsasaka na wala silang dapat ikabahala sa pagiging ganap na batas ng sin tax bill.

“Ang benepisyong natatanggap ninyo dati ay hindi maglalaho; ang totoo nga po—sa amin pong pakiwari—lalaki pa iyan, habang tumitibay naman ang suporta sa inyo ng pamahalaan sa pamamagitan ng iba pang ayuda,” aniya pa rin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply