Sina Arci Munoz, JC de Vera sa isang nakaririnding vehicular accident!

JC-de-vera

MULING mapapanood ng die hard fans nina Bea Binene at Jake Vargas ang appearance ng mag-love team sa No. 1 comedy show tuwing Sunday, ang “Pepito Manaloto.”

Si Bea ay kaklase ni Jake sa school. Siyempre, mag-bestfriend rin silang dalawa kaya ganon nalang silang ka-close sa isa’t isa. Sa episode ngayong Sunday ay naka-focus ang istorya kay Jake kaya nasa episode si Bea. Once a month lang ang appearance ni Bea sa Pepito Manaloto.

May overnight na lakad ng barkada si Chito (Jake Vargas) sa Batangas. Ang problema, hindi siya pinayagan ni Elsa (Manilyn Reynes). Good timing ng tadhana nakilala niya ang isang batang hamog na carbon copy niya, ang juvenile magnanakaw na si Jordan . Ang panganay ng milyonaryong Manaloto, eeskapo sa lakad niya at sa kanyang lugar titira sa mansion si Jordan.

Maamoy kaya ni Clarissa (Angel Satsumi) na hindi niya kuya ang kausap niya? Maghinala kaya sina Pepito (Michael V) at Elsa? Lulusot kaya ang plano ng prinsipe at ng pobre?

Samantala, sa opisina ni Pepito, parang kinukulang ng tao. Buti na lang si Patrick tumulong (John Feir). Teka, nakatulong nga ba?

At si Tommy (Ronnie Henares) naman, busy sa pagbibida na ihatid sundo sina Deedee (Jessa Zaragoza) at Mimi(Nova Villa) sa simbang gabi. Sa haba ng kanyang pagdadaanan, aabot kaya sa simbahan si Tommy?

Maki-merry at maki-happy sa mga tauhan ng Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento, ngayong Linggo, pagkatapos ng Extra Challenge sa GMA7.

000

HINDI titigil sa showbiz si Chariz Solomon kahit siya’y may asawa na. Hanggat di pa siya nabubuntis, tuluy-tuloy pa rin siyang mapapanood sa telebisyon. Maunawain kasi ang kanyang asawa.

Tutal comedienne naman ang dating ni Chariz kaya hindi na niya kailangang magpaseksi sa kanyang mga eksena. Wholesome naman ang kanyang image kasi.

Tuwing Friday, madalas na siyang mapanood sa Bubble Gang dahil bale regular guest na ngayon siya roon.

Lumabas siya last Friday sa BG na kasama nina Ryzza Mae Dizon, Mark Herras at Ms. Tessie Tomas.

Kasama si Chariz sa portion na gags na tungkol sa Reklamo Role sa stage play.

Tungkol sa pag-aasawa ni Chariz, ayon sa comedienne kapag nagkaanak na siya, mas priority na niya ang kanyang pamilya.

000

SA SET ng “Kidlat”, inamin ni Derek Ramsay kamakailan na muntik na siyang bumili ng FHM November2012 issue kung saan nasa cover ang co-star niyang si Ritz Azul. Nagulat raw ito sa kaseksihan ng kanyang Kidlat leading lady pero nangibababaw ang kanyang pagiging gentleman.

Pinigilan daw niya ang kanyang curiosity sa sexy photo shoot ni Ritz dahil ayaw daw niyang magbago ang nabubuong maganda nilang friendship.

“Nag-alangan ako eh,” sambit ni Derek. “Baka kasi maiilang siya and I don’t want things to be awkward [between us]. We’ve gotten close [sa set] and I don’t want to change anything about that.”

Wala mang copy si Derek ng FHM pero bilib pa rin daw siya sa lakas ng loob at natatanging ganda ni Ritz.

Samantala, sa  X-mas Party ng TV 5 sa press, nasabi ni Ritz na very friendly talaga si Derek sa kanya. Bukod pa rito, panay raw ang guide sa kanya ng actor lalo pa’t baguhan siya sa mga action scenes.

Habang tumatagal ang kanilang taping (na ipalalabas na sa TV5 sa January 7, 2013), lalong nakikilala ni Ritz ang magandang pagkatao ni Derek.

Ang Kidlat ay first action-adventure soap ni Derek sa TV5 buhat nang lumipat siya ng network. Si Mike Tuviera ang director ng soap. Bida rin rito si Nadine Samonte, isa sa dalawang leading ladies ni Derek.

000

BUTI naman at parehong safe ang dalawang Kapatid stars na sina JC de Vera at Arci Munoz nang ma-involve pareho sa isang vehicular accident ang kani-kanilang sasakyan.

Sa totoo lang sa nangyaring aksidente, hinayang ang nararamdaman ni Arci pagkatapos mabunggo ang kanyang bagong Toyota Innova. Nangyari ang aksidente sa sasakyan niya nang mabangga ito ng sasakyan ng kapwa Kapatid star na si JC de Vera.

Sunday ng gabi last week nang mangyari ang insidente sa may Hacienda Luisita. Naka-convoy ang dalawa kasama ang iba pang cast ng Lokomoko U. Pauwi na sila ng Metro Manila after spending the weekend sa City of Pines to tape segments for the comedy show ng TV5.

Ayon kay JC, natutulog siya sa biyahe nang mangyari ang insidente. Ang driver ng actor ang siyang nasa likod ng manibela pabalik nang Manila dahil may taping pa raw siya na kasunod nung araw na ‘yun. Bigla na lang nagising si JC dahil nahinto sila sa Tarlac early in the morning.

Malaki ang naging damage sa sasakyan ni Arci. Nayupi ang likurang bahagi ng Innova nito na kabibili pa lang niya. High-end model pa man din ang napili ni Arci na bilhin.

Inaayos ng dalawang Kapatid stars ang hassle na nangyaring ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply