Singil sa kuryente, bababa ngayong Disyembre

BAHAGYANG nabunutan ng tinik ang mga ginang ng tahanan nang kumpirmahin ng  Meralco ang pagbaba ng singil sa kuryente ngayong Disyembre.

Ayon kay Joe Zaldarriaga, spokesman ng Meralco, P0.31 kada kilowatt hour ang ibababa ng singil sa kuryente ngayong Disyembre.

Ipinaliwanag ni Zaldarriaga na bunga ito ng sama-samang pagbaba ng generation, transmission at systems loss charges.

Maliban sa mas mababa na ang singil sa kuryente, mas mababa rin umano ang konsumo sa kuryente kapag “ber” months dahil limitado ang paggamit ng mga air conditioning units.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply