Sino si Raul Ang sa matuwid na daan?

Allan-Encarnacion-mano_mano-web-copy

NANGANGAMOY impeachment na naman sa Korte Suprema.

Sa pagkakataong ito, mukhang ang puwersa ng posibleng mag-impeach ay magmumula mismo sa loob ng highest tribunal.

Kung totoo ang sinasabing pekeng resolution na ginawang mag-isa ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno at pinalabas niyang aprubado ng buong korte  para sa paglikha ng Regional Court Administrator sa Cebu City, sapat na ito para mag-impake ang paboritong Punong Mahistrado ng Pangulong Aquino.

Hindi na ako magtataka kung simulan na nina Most Senior Associate Justice Antonio Carpio ang pagpapa-impeach sa kanilang hepe.

Magkakatrabaho na naman ang mga prosecutor noon ni Corona. Pero this time, sila naman ang nasa depensa.

Abangan.

***

Sino itong kabit ng isang dating senador na bumili ng bahay sa New Manila, Quezon City na nagkakahalaga ng P20 milyon?

Dati, alyas Maryang Gipit lamang itong si mistress sa isang lalawigan sa Mindanao noong hindi pa siya natitisod ni politikong matakaw sa propaganda pero walanghiya naman sa totoong buhay.

Hindi kaya undervalued pa ang haybol na iyon kung ikukumpara sa actual price?

Nagtanong ako ng bahay sa New Manila area dahil akala ko ay malapit na akong tumama sa lotto.

Halagang P36 milyon ang natanong kong bahay kaya minabuti kong tumaya na lang sa tupada dahil mukhang hindi mangyayari ang ambisyon kong maging kapitbahay si Miss Secret Love Affair.

“GP” ang alyas ng umuunlad na kerida–as in Gandang Pangmayaman!

***

Ang Raul Ang ba na umaaktong “another secretary” sa DILG at sa iba pang departamento ng gobyerno at ang Raul Ang na campaign donor ni Noynoy ay iisa?

Matunog ang pangalan ngayon ng Raul Ang na ito na siyang nagdidikta sa mga kalihim ng departamento kung ano ang mga equipment at supplies na dapat bilhin.

Sana lang magkaiba ang tinutukoy na Raul Ang na donor at ang maepal lang na Raul Ang para hindi naman masira ang matuwid na daan ni Noynoy na palaging napagkakamalang may underpass kapag KKK na ang tatamaan.

allanpunglo@yahoo.com

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply