Sitwasyon sa lugar na naapektuhan ni ‘Pablo’, bumubuti

INIANUNSYO ng Department of Health (DOH) na nagiging maayos ang kondisyon ng health at sanitation sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Pablo.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, partikular na gumaganda na ang sitwasyon sa Cateel at Baganga, Davao Oriental matapos na maibalik na ang tubig sa Cateel District Hospital.

Natapos na rin umano ang paglalagay ng bubong ng pagamutan matapos sirain ng nagdaang bagyo.

Nagdagdag na rin umano ang DOH ng generator at staff sa nasabing ospital kung kaya’t kaya na nitong mag-operate sa loob ng 24-oras.

Sinabi pa ng Kalihim na ang generator ay pansamantalang kinuha sa mga DOH facility sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at inilipat sa lugar upang magamit doon.

Maging ang operasyon ng Baganga Rural Health Unit ay balik na rin matapos dagdagan din ang generator set na ginagamit doon.

Binisita ni Ona ang mga naturang lugar upang personal na inspeksyunin ang mga DOH facility na naapektuhan ng bagyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply