SLEX, STAR may aginaldo para sa mga motorista

LIBRENG madaraanan ng mga motorista ang Skyway South Luzon Expressway (SLEX) at Southern Tagalog Arterial Road (STAR) bilang aginaldo sa mga bumibiyahe ngayong bisperas ng Pasko at Bagong Taon. Ito ang ipinahayag ng Skyway O&M Corporation (SOMCO), Manila Toll Expressway Systems, Inc. (MATES) at Star Tollway Corp.

Napag-alaman na libre ang toll fee mula alas-10:00 ng gabi ng Disyembre 24 hanggang alas-6:00 ng umaga ng Disyembre 25.

Muling ibabalik ang pagbibigay ng libreng toll fee sa mga motorista na dumadaan sa SLEX sa bisperas ng Bagong taon mula alas-10:00 ng gabi ng Disyembre 31 hanggang alas-6:00 ng umaga ng Enero 1.

Dismayado naman ang ilang motorista sa pa-“aginaldong” ibinigay sa kanila dahil ang naturang mga ibinigay na oras na libre ang “toll fee” ay ang panahon na halos wala na o kokonti na ang motoristang bumibiyahe kaya inaasahan na kakarampot lamang ang makikinabang dito.

Ang Skyway System ay may habang 13.5 kilometro mula Magallanes-Alabang at 16.2 km. mula Buendia-Alabang.

Ang SLEX naman ay may habang 36 km. mula Alabang hanggang Sto. Tomas, Batangas habang ang Star Tollway ay may habang 42 km. mula Sto. Tomas hanggang Batangas City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply