Smuggled firecrackers pinatututukan sa BoC

KINALAMPAG ng isang kongresista ang mga opisyal ng Customs para matyagang mabuti ang mga smuggled na paputok na maaaring makasama sa kalusugan at hindi ligtas gamitin ng  tao ngayong  darating na bagong taon.

Babala ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay na posibleng naglipana ngayon sa merkado ang mga nasabing smuggled goods na hindi dumaan sa safety standards ng gobyerno.

Ito aniya ay tiyak na malaking banta sa kalusugan ng publiko at maaari din pagmulan ng  sunog.

Hindi aniya marapat na maging kampante ang mga tauhan ngayon ng BOC kungdi kailangang masuyod ang mga pamilihan dahil sa posibilidad na mayroong mga negosyante na mag samantala upang maipuslit ang mga ito sa merkado at ibenta sa mas murang halaga upang makaakit sa mga mamimili.

Sinabi pa ni Magsaysay na dapat na makipag-ugnayan ang mga opisyal ng customs sa ibang ahensiya ng gobyerno upang maharang at masabat ang mga ilegal na imported na produkto sa merkado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply