Smugglers pinasasampulan at sindikato ng pabahay

pakurot

UPANG magtuloy-tuloy ang pagtahak sa “tuwid na daan” na nais mangyari ni Pangulong Benigno Aquino III, pina-tutukang mabuti ni Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon ang mga kasong isinampa laban sa smugglers.

Kung noong nakaraang adminis-trasyon ay walang maipanalo ang BOC sa kasong isinasampa sa Court of Tax Appeals dahil nga sa ka-pabayaan ng legal service counsel ng Aduana, ngayon ay may napata-wan na ng parusa at ito ay tiyak na magsisilbing isang babala sa mga tiwaling negosyante na nais maka-lusot sa buwis na dapat bayaran sa pamahalaan.

Kaya naman, nais ni Biazon na maiparating muli sa mga smuggler ang kanyang babala na hindi siya nagbibiro at nakikisawsaw lang sa isyu kundi talagang totoo ang kan-yang kampanya upang linisin ang tanggapan mula sa katiwalian.

Hindi basta hinahabol ng pamu-nuan ni Biazon ang smugglers kundi nais talaga niyang maipa-kulong ang mga ito upang mag-karoon ng leksyon.

Napatunayan ng CTA na guilty beyond reasonable doubt sa pag-labag sa Tariff and Customs Code of the Philippines si Roel Paquit Sayson at nahatulang mabilanggo ng walo hanggang 12 taon.

Nagpuslit si Sayson ng mga Kia Sportage mula sa Korea noong Pebrero 2008 na idineklara niyang used trucks spare parts. Mahigit P1.7 milyon ang buwis na naibul-sa ni Sayson.

Bagaman hindi pa si Biazon ang puno ng BOC nang mahuli si Say-son, pinatutukan naman niyang ma-buti ito sa mga abogado ng Customs kung malaki ang puntos na nagawa ng kanyang tanggapan sa pagpa-pakulong sa smuggler.

oOo

NAPAKARAMI na nga ang na-bigyan ni Caloocan City Mayor En-rico “Recom”Echiverri ng libreng pabahay lalo na ang mahihirap ni-yang nasasakupan sa iba’t ibang bahagi ng kanyang lungsod na pi-naglilingkuran.

Umabot na umano sa 68 Com-munity Mortgage Program kung sa-an mahigit 8,000 pamilya ang na-bigyan ng sariling bahay at lupa kaya nga nabawasan ang informal settlers o squatters sa Caloocan City.

Ang tanong, mga mahihirap lang ba ang nakinabang sa libre o murang pabahay ni Echiverri? Dapat malaman ni Echiverri na marami sa mga empleyado ng Urban Poor Affairs Office sa ilalim ng officer-in-charge na si Alexander Bernadette ang ginawang sindikato ang pagbe-benta ng lupa sa mga pabahay ni Recom.

Para sa kaalaman ng alkalde, bago pa man makakuha ang mahi-hirap ng lupa sa programang paba-hay ay halos napagpilian na ang mga ito ng mga opisyal at tauhan ng UPAO. Natural, ang mga maga-gandang espasyo ay nakapanga-lan o nakareserba na kaagad sa kanila at kapag may nakagusto ay ibinebenta nila sa mas mataas na halaga sa halip na P30,000 ang isang cut ng lupa.

Makalaglag-upuan ang presyo kapag ibinenta nila dahil hindi lang dalawa o tatlong beses ang taas ng presyo kundi halos limang doble. Ang ilan pa sa kanila, pinagaga-wan na kaagad ng bahay at ibine-benta ng halos tubong lugaw lang sila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply