Snatcher na lolo, tiklo ng hikain sa pagtakbo

tiklo

DAHIL sa katandaan, sumablay ang ginawang pang-aagaw ng isang 61-anyos na lolo sa wallet ng isang babaeng estudyante nang kapusin ito sa kanyang paghinga at atakhin ng hika dahil sa pagtakbo makaraan siyang habulin ng mga nakasaksing traffic enforcers kahapon ng umaga sa Pasay City.

Agad naming nabawi ng mga humabol na miyembro ng Pasay City Traffic Management kay Jhon Will Asis, residente ng Blk 186 Lot 10 Phase 4 Dasmarinas, Cavite ang wallet ng estudyanteng si Laureta Agler, 18, na naglalaman ng isang linggo niyang allowance na P2,600, student ID at iba pang personal na gamit.

Batay sa isinumiteng ulat kay Pasay City police chief Sr. Supt. Rodolfo Llorca, naglalakad sa footbridge ng Taft Avenue-EDSA ang dalaga nang biglang hablutin ng matanda ang kanyang wallet dakong alas-9:30 ng umaga na nasaksihan ng mga traffic enforcers.

Hindi naman nakalayo ang matanda matapos hingalin sa pagtakbo kaya’t kaagad siyang nadakip ng mga humabol na traffic enforcers.

Ayon sa suspect, awang-awa na siya sa kanyang mga apo na halos dalawang araw ng hindi kumakain kaya’t naisip niyang gumawa ng paraan kahit maling hakbang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply