Social Mobilization on Tuberculosis Project inilunsad sa Marikina

BILANG bahagi ng patuloy na kampanya kontra Tuberculosis (TB), ang  lokal na pamahalaan ng Marikina sa pamamagitan ng City Health Office(CHO) at sa pakikipagtulungan ng World Vision Development Foundation at Department of Health ay naglunsad ng Social Mobilization on Tuberculosis Project sa programa ng lingguhang pagtataas ng watawat sa lungsod kamakailan. Layunin ng programang ito na matukoy at mabigyan ng nararapat na rekomendasyon at paunang lunas ang  mga  residenteng nakikitaan ng sintomas ng TB.

Upang maitaas pa ang kakayahan ng lungsod na matukoy ang mga residenteng mayroong sakit na TB at makapagbigay ng lunas dito, binuo ang TB Task Force sa mga barangay sa lungsod. Ang mga TB Task Force na ito ay binigyan ng  pagsasanay ng World Vision Development Foundation at CHO hinggil sa mga sintomas ng TB.

Sa kasalukuyan, 12 sa 16 na barangay ng lungsod ng Marikina ang mayroon nang TB Task Force na binubuo ng 15 miyembro bawat isa. Patuloy ang pag-iikot ng TB Task Force sa mga barangay upang matukoy ang mga taong posibleng mayroong TB, matukoy ang mga pasyenteng bibigyan ng referral letter, at mahikayat na magtungo sa Health Center upang masuri at mabigyan ng kaukulang payo at rekomendasyon.

“Sa talaan ng City Health Office, mayroong nang 1,056 bagong kaso ng TB sa lungsod noong 2011 kung saan 339 kaso ang naitala sa pamamagitan ng smear positive at 717 kaso sa pamamagitan ng smear negative. Hindi na natin nais na madagdagan pa ang bilang na ito kung kaya hinihimok natin ang mga residente na agad na magpatingin sa doktor kung nakakaramdam ng mga sintomas ng TB,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Ang tuberculosis ay respiratory disease na sanhi ng bakteryang “Mycobeacterium tuberculosis” na naipapasa sa pamamagitan ng paglanghap ng hangin na may tubercle bacilli na maaaring makuha sa pamamagitan ng ubo, pagbahing, pagsasalita o pagkanta.

Ilan sa mga maagang sintomas nito ay pagkakaroon ng ubo, biglang pagbaba o pagbasak ng timbang, lagnat, fatigue, panlalamig at  kawalan ng ganang kumain. Ipinapayo rin ng CHO na agad ng kumonsulta sa manggagamot kung nakakaranas ng ubo sa loob  ng tatlong linggo o higit pa, ubo na may kasamang dugo, pananakit ng dibdib at/o kung may kasamang ubo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply