Solons na bumiyahe sa US, makaboboto pa sa RH bill

SB-2

MAY PANAHON pa para humabol sa botohan ng kontrobersyal na Reproductive Health bill ang mga kongresistang nagtungo sa Amerika para manood ng laban ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao.

Ito ay matapos kumpirmahin ni House Speaker Sonny Belmonte na bukas (December 11) ng umaga nakatakdang balik ng mga kongresistang nanood ng laban ni Pacquiao.

Sinabi ni Belmonte na sa Miyerkules kasi nakatakda ang araw ng botohan sa RH bill kaya nakatitiyak na mayroong korum sa araw na iyon.

Regular din, aniyang, nagkakaroon ng text brigade sa mga kongresista para matiyak na dadalo ang mga ito sa sesyon upang matapos ng Kamara ang trabaho bago ang Christmas break sa December 19.

Samantala, inimbitahan ni Albay Rep. Edcel Lagman ang mga Obispo ng simbahang Katoliko upang saksihan ang botohan sa plenaryo kasabay ang babala na huwag sanang bastusin ang mga mambabatas partikular ang mga bobotong pabor sa panukala.

“What Bishops cannot achieve by reason and persuasion, they must not pursue through fear and intimidation. Fear has always been used by the clergy as an instrument of repression and reprisal like fear of eternal damnation, fear of excommunication, fear of offending religious ministers, fear of contraceptives as abortifacients and carcinogenic, and fear of a demographic winter, all of which are wanting of reasonable and empirical anchorage.”

Kung mananakot lamang umano ang mga Obispo sa plenaryo ay hindi, aniya, sila magtatagumpay dahil “fear is destitute of reason and must be resisted with conviction, and not be allowed to deter or delay legislation.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply