Solons nagbigay pugay kay Rep. Aumentado

KAHIT nakabakasyon ngayon, ay nagbigay pugay ang Kamara sa pumanaw na si Bohol Rep. Erico Aumentado.

Mayorya sa mga miyembro ng minority bloc kung saan kabilang si Aumentado ang dumalo sa isinagawang necrological services.

Nanguna sina House Speaker Feliciano “SB” Belmonte at Minority Leader Danilo Suarez gayundin si House Deputy Minority Leader Mitos Magsaysay.

Si Aumentado ay naging miyembro ng 9th, 10th, 11th at 15th Congress kung saan bago pumanaw, ito ay nagsilbing chairman ng House Committee on Ethics and Privileges at miyembro ng Lakas Kampi Christian Muslim Democrats.

Sa kaniyang eulogy ay binanggit ni Speaker Belmonte ang matagal na nilang pagkakaibigan ni Aumentado na nakapaghain ng 97 panukalang batas nito lamang 15th Congress.

Si Aumentado ay isang abogado at journalist na may walong anak kay Peregrina Adlaon Cabagnot-Aumentado, 19 na apo at apat na apo sa tuhod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply