Sorpresang drug tests sa PDEA employees isinagawa

midas-drug-test

SORPRESANG nagsagawa ng drug test ang pamunuan ng Philippine  Drug  Enforcement Agency (PDEA) sa  mahigit 500 empleyado kahapon, December  3,  sa PDEA  National Headquarters sa Quezon City.

Pinangunahan ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G Cacdac, Jr ang pagsumite ng kanyang urine samples kasama ang matataas na opisiyal ng PDEA kasunod ang kanilang mga tauhan at mga Drug Enforcement Officers (DEOs), na sumalang din sa drug tests  na isinagawa ng PDEA Laboratory matapos ang flag-raising ceremony noong nakaraang Lunes.

Inimbitahan bilang guest speaker si Justice Jose Midas P. Marquez, Court Administrator ng Supreme Court sa idinaos na flag-raising ceremony na maging siya ay sumalang din sa drug testing.

Samantala, pormal nang sinindihan ng PDEA ang kanilang pailaw at  Christmas tree na nasa harapan ng gusali ng PDEA headquarters  sa nasabing lungsod  bilang hudyat ng kapaskuhan sa ahensiya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply