SPD kinilala ng NCRPO sa pagresolba ng malalaking kaso

BINIGYAN ng pagkilala ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang 140 pulis mula Southern Police District partikular ang mga pulis mula sa Makati, Pasay, Parañaque, Pateros, Muntinlupa at Las Piñas.

Sa flag raising ceremony kanina sa SPD headquarters sa Taguig, ginawaran ng pagkilala ang mga pulis dahil sa matagumpay na pagresolba sa iba’t ibang uri ng krimen kabilang ang pagkakalansag sa Onad robbery group, UV express holdup gang, Dominguez carjacking syndicate, at Ozamis group.

Sorpresa namang ginawaran ng special recognition ng Volunteers Against Crime and Corruption sina SPD dir. C/supt Benito Estipona at NCRPO chief Leonardo Espina.

Ginawaran din ang walong guwardya ng Southbend Security agency dahil sa pagtulong sa pagkakahuli sa suspek sa pagpatay sa US national na si George Anikow sa Makati.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply