Speaker Belmonte handang magpa-AIDS test

feliciano-belmonte

HANDANG sumailalim sa Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) test ang 76-taong gulang na si House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte, Jr.

Tugon ito ni Belmonte sa hamon ng Dangal National Network president at The Library Foundation executive director Jonas Bagas, isang samahan ng mga gay, bisexual at transgender.

Ang hamon ay ginawa ni Bagas para sa mga namumuno sa bansa kabilang na sina Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, Health Secretary Enrique Ona at iba pang miyembro ng gabinete.

Kasabay nito, nanawagan naman si Akbayan partylist Rep. Walden Bello, chairman ng overseas workers affairs na irespeto sana ang anomang magiging desisyon ni Pangulong Aquino sa naturang hamon.

“Let the President decides on this, and if he refuses, respect his decision,” ani Bello.

Paliwanag naman ni Bagas, ang hamon nila kay Pangulong Aquino at sa gabinete nito na sumailalim sa HIV test ay upang mahikayat ang publiko at ituring na ang ganitong pagpapasuri ay isang normal procedure lamang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply