SRP lists ng pang noche buena, ipinalabas ng DTI

MATAPOS makatanggap ng kaliwa’t kanang reklamo ang pamunuan ng Department of trade and Industry (DTI) hinggil sa nagmamahalang bilihin sa pamilihan partikular na ang mga panghandang Noche Buena, naglabas ng listahan ang naturang ahensiya ng “suggested retail price (SRP)” na ikakalat sa lahat ng pamilihan, shopping centers, at groceries.

Ayon kay DTI Undersecretary Zenaida Maglaya, dagsa ang reklamo sa kanila ngayon sa sobrang mahal ng mga produktong pang-handa lalo na ang hamon kaya naglabas sila ng SRP para maging basehan ng mga mamimili.

Inatasan na rin umano nila ang kanilang mga tauhan na mag-ikot sa mga pamilihan upang tiyakin na nasa tamang presyo ang mga produktong ibinibenta ngayong Disyembre.

Kabilang sa mga kasama sa SRP ang sumusunod 500 gramo ng brick ham, P138; 800 gramo ng pear shaped ham, P198 hanggang P211; Quezo de bola (pinakamaliit), P132; 1 kg. spaghetti noodles, P65 hanggang P102; at 430 gramo ng fruit cocktail, P41.75 hanggang P50.25.

Hinihikayat naman ng DTI ang mga mamimili na magsumbong sa kanilang hotline number na- 751-3330/ 751-0384, para sa kanilang reklamo o suhestiyon.  Para sa kumpletong listahan ng SRP ng mga noche buena products, maaaring mag-log on sa website ng DTI (www.dti.gov.ph) o kaya’y hanapin ang mga nakapaskil na DTI poster sa mga pamilihan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply